Nagtala ang Pilipinas ng pinakamababang bilang ng daily COVID-19 cases ngayong taon sa 1,712, dahilan para tumaas ang total case count sa 3,652,203.
Ayon sa Department of Health, ang positivity rate ng bansa ay nasa 8.8%, habang ang kabuoang bilang ng isinagawang COVID-19 tests ay nasa 28,500.
Ang bagong infections ang nagdala sa total active cases na 60,532, kung saan 856 ang asymptomatic; 55,102 ang mild; 1,421 ang severe; at 305 ang nasa kritikal na sitwasyon.

Samantala, tumaas pa ang total recoveries sa 3,535,987, matapos na gumaling ang 3,686 pang pasyente mula sa viral disease, habang umakyat rin ang death toll sa 55,684 dahil sa 77 na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD