LPA sa extreme N.Luzon, posibleng pumasok sa PAR sa mga susunod na oras

Makakaranas ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa Southwest Monsoon o localized thunderstorms.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Pagasa ang mga apektadong residente na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sinabi naman ng weather bureau na nanatiling minimal ang epekto ng habagat sa bansa, bagama’t may binabatayan silang low-pressure area (LPA) na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa forecast ng Pagasa, huling namataan ang LPA sa 1,590 kilometers silangan ng extreme Northern Luzon, at may malaking tsansa na mabuo bilang tropical cyclone.

Sa oras na mabuo ito bilang bagyo, ito ay tatawaging “Emong.” // MHEL PACIA-TRINIDAD