Long waited SRA para sa mga health workers, nailabas na- DBM exec

Kinumpirma ng Department of Budget and Management na nailabas na sa Department of Health ang P9.02 billion na halaga ng special risk allowance para sa mga medical workers sa buong bansa.

Kaugnay nito, inaasahang maipapamahagi ang naturang allowance hanggang sa June 30, 2021.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay Assistant Secretary Kim Robert de Leon, inilabas ng DBM sa DOH ang naturang pondo noong June 25, para sa monthly allowance na hanggang P5,000  para sa mahigit 300,000 health workers sa parehong private at public hospitals na nag-aalaga sa mga COVID-19 patients.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag ni de Leon, ang naturang monthly allowance ay mula December 2020 hanggang June 30, 2021.

Sinabi rin nito na ang pera para sa SRA ay kinuha mula sa hindi nagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 Law o “Bayanihan to Recover as One Act,” na nakatakdang mapaso sa June 30. // MHEL PACIA-TRINIDAD