BBM camp, nakatakda nang bumuo ng transition team

Ngayong hapon ay nakatakdang magpulong ang kampo ni Bongbong Marcos para talakayin ang pagbuo sa transition team nito para sa pagupo bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ng tagapagsalita ni Bongbong na si Atty. Vic Rodriguez na pagme-meetingan na ngayong araw ang mga susunod na hakbang ng kanilang kampo matapos ang pangunguna nito sa unofficial and partial tally ng eleksyon 2022.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa ngayon, mayroon na umanong napipisil si BBM na mga itatalaga nito sa kanyang gabinete ngunit hindi pa rin ito isinasapinal.

Samantala, bago ito, una nang nagbabala ang ilang mga political anaylst na dapat nang bumuo ng economic managers si Marcos para sa kanyang administrasyon.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ito ay makaraang bumaba ng ilang por syento ang Philippine Stock Exchange index matapos ang inisyal na resulta ng halalan.

Inilagay rin ng American Banking company na JP Morgan ang Pilipinas sa pinaka-least priority nito para sa investments.
#