12-anyos na babae natagpuang patay sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Wala nang buhay nang nakita ang 12-anyos na batang babae sa Libmanan Camarines Sur, nitong Huwebes Dec. 29.

Kinumpirma ng PNP na nakita ito sa Barangay Mambulo Nuevo. Limitado ang impormasyong binitawan ng Libmanan Municipal Police Station dahil sensitibo ang kaso pero tiniyak na patuloy ang kanilang koordinasyon sa barangay at masusing imbestigasyon.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nitong hinihintay nila ang resulta ng medical examination upang matukoy kung ginahasa muna ito bago pinatay.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Patuloy ang imbestigasyon upang mahuli ang mga responsable sa krimen. Hustisya ang sigaw ng pamilya.