Rockfall event, naitala sa bulkang Mayon sa unang araw ng taong 2023

Sa mismong araw ng bagong taon ay nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) ng isang rockfall event mula sa Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay sa buong 24 oras na pagmomonitor.

Batay sa tala nito, naobserbahan sa bulkan na nagkaroon ito ng mahinang crater glow o banaag.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakitaan din ito ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa gawing kanluran, habang mayroon namang bahagyang pamamaga.

Samantala, hindi ito nagkaroon ng mga pagyanig o volcanic earthquake. Matatandaang noong araw ng kapaskuhan, Disyembre 25, naitala ng PHIVOLCS ang isang bilang ng pagyanig mula sa bulkan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasalukuyan pa ring nakataas sa alert level 2 ang status ng nasabing bulkan, at pinapaalalahana pa rin ang lahat na maging alerto sa oras na itaas ang alert level nito.

Maliban pa rito, mahigpit pa ring ipinagpapabawal ang paglapit at pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa PDZ ng bulkan.