Ilang mga barangay sa Daraga, Albay, binigyang pinarangal bago ang pagtatapos ng taon 2022 bilang most clean and green barangay

Binigyan ng parangal ang mga napiling barangay sa bayan ng Daraga bago ang pagtatapos ng taon 2022 bilang most clean and green barangay.

Pinangunahan ng Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO) ang pagbigay ng award na Oplan Clean and Green.

Ang naging kampeon sa Urban Category ay ang Barangay Busay habang ang Barangay Budiao ang sa Rural category.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dagdag pa nito, ang pagpili sa mga barangay ay dumaan sa masusing citeria tulad ng 30% Capacity & Capability, Output for CR3 (40%) at Output for Greening (30%).

Sa Urban Barangay ang naging 1st Runner-up ay ang Barangay Peñafrancia, 2nd Runner-up: Salvacion habang Rural Barangays 1st Runner-up ang Matnog at 2nd Runner-up ay ang San Ramon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Maliban pa rito, binigyan din ng consolation prizes ang 10 barangay na lumahok sa nasabing kompetisyon: ang Barangay Bañag, San Roque, Tagas, Tabon-tabon, Binitayan, Mi-isi, San Vicente Pequeño, Balinad, Mayon at Barangay Bongalon.

Ang nabanggit na kompetisyon ay inorganisa upang mabigyan ng dagdag na insentibo ang mga barangay na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan.