Lolo arestado dahil sa kasong rape at child abuse sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Humahawak na ngayon ng malamig na rehas ang lolo matapos maaresto sa Barangay Mendez bayan ng Polangui Albay dahil sa kasong Rape at Child Abuse.

Kinilala ang akusado na si alyas Bartolome 61 anyos residente ng nasabing barangay Ayon sa report, umaga ng puntahan ng mga awtoridad ang bahay na tinutuluyan ng akusado bitbit ng mga ito ang warrant of arrest na pirmado pa noong Disyembre 14 2021 sa mga nasabing kaso.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Una rito nahaharap si Bartolome sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse na may piyansa inirekomenda na aabot sa P200K para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang sa kasong rape ay walang inirekomenda na piyansa.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang akusado ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.