LEGAZPI CITY – Ikinatutuwa naman ng Department of Tourism (DOT) Bicol sa taon 2021 na halos nakapagbukas ng turismo ang Bicol Region kumpara sa taon 2020 na halos sarado pa ang mga turismo dahil sa mga restrictions na ipinatutupad ng bawat lalawigan.
Ayon kay Herbie Aguas, ang Regional Director ng DOT Bicol, bago magtapos ang taon 2021 ay nakapagbukas na sila ng turismo sa nasabing rehiyon ng halos 95% dahil sa niluwagan ng gobyerno ang mga restrictions o protocols.
Maliban pa rito pinayagan rin ang mga local tourist na bumisita sa mga tourist spot.
Nilinaw din nito na kahit niluwagan ang mga protocols sa bansa ay mayroon pa rin silang susundin na guidelines sa pagtanggap ng mga turista sa kanilang lugar.
Isa sa mga requirements na kinakailangan ngayon ay dapat full vaccinated ang mga ito.
Dagdag pa nito mayroon din na health protocols na ipinatutupad ang mga hotels and restaurant, resorts at iba pang mga lugar na dadahuyin ng mga turista sa Bicol.
Aminado rin ang ahensya na may mga business establishment sa turismo ang hindi pa nakakabalik o nakakabukas ng kanilang negosyo dahil sa apektado pa rin ang mga ito sa pandemya.
Sinabi ng opisyal, umaasa rin ito ngayon 2022 na 100% bukas na ang turismo sa rehiyon upang tuloy tuloy na rin ang paglago ng ekonomiya ng bansa.