NAGA CITY- Kulungan ang bagsak ng lola at isang misis na akusado sa paninirang puri sa Magarao, Camarines Sur.
Isinilbi ng PNP sa Barangay San Isidro ang warrant of arrest laman ang kasong paninirang puri sa dalawang ginang na itago natin sa pangalang “Aida” at “Norma” 73 at 42-anyos na mga residente ng Barangay Monserrat.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSSgt. Richard Vargas, spokesperson ng PNP Magarao, sinabi nitong ang complainant ng dalawa ay kanila mismong kaanak.
P18,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantaang kalayaan ng bawat isa.
Sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines, pinagbabawalan ang sinuman na magmura at magkalat ng kung anu-anong masasamang impormasyon laban sa ibang tao lalo pa kung wala itong sapat na basehan.