Lokal na simbahan sa Camarines Norte “no comment” muna sa divorce bill na inaprobahan sa Kamara

CAMARINES NORTE – Tumanggi munang magkomento ang lokal na simbahan ng Diyosesis ng Daet sa Camarines Norte kaugnay sa House Bill No 9349 o ang Absolute Divorce Act na inaprobahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Miyerkules, May 22.

Sa mensahe ni Father Frederick Rafael sa Brigada News FM Daet, hihintayin muna umano nila ang magiging pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines hinggil sa nasabing usapin. Hindi rin umano siya makapagbigay ng opisyal na pahayag sa ngayon para sa Diyosesis dahil wala pang sinasabi ang Diocesan Administrator na si Father Ronald Anthony Timoner.

Mababatid na sa botong 131 na pumabor, 109 na komontra at 20 abstention ay naaprobahan sa plenaryo ng Kamara ang naturang panukalang batas. Kabilang naman sa mga bomoto kontra sa divorce ay si Camarines Norte First District Rep. Josefina Tallado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *