Alas Pilipinas, pinatumba ang Australia sa open AVC Challenge Cup campaign

Nakuha ng Alas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa preliminary round ng 2024 AVC Challenge Cup kasunod ng kanilang four-set kontra sa Australia team sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa score na 22-25, 25-19, 25-16 napatumba ng pambato ng Pilipinas ang kalabang kuponan.

Read More:  Lakers acquire Walker Kessler in sign-and-trade deal

Nanguna para sa opensa ng Alas sina Angel Canino at EJ Laure, na kapwa may tig-17 points.

Si Sisi Rondina naman ay humampas ng 16 points mula sa 14 attacks, dalawang ace at isang block.

Read More:  Lakers acquire Walker Kessler in sign-and-trade deal

Susunod na makakalaban ng women national volleyball team ang India sa Biyernes.

Habang sa Mayo 25 ang Iran, at Mayo 26 ang Chinese Taipei.