Lokal na Pamahalaan ng Labo sa Camarines Norte nagbabala na ipapasara ang mga establisimyentong walang business permit ; isang bar nasampolan

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Lokal na Pamahalaang bayan ng Labo sa mga may-ari ng establisimyento na sundin ang mga ipinapatupad ng batas kaugnay sa pagproseso ng mga kaukulang dokumento at papeles ng kanilang mga negosyo

Kamakailan ay nasampolan ang isang bahay aliwan sa Barangay Masalong, Labo, Camarines Norte ng Municipal Treasurer’s Office katuwang ang kapulisan ng Labo MPS

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa report ng naturang pulisya,  ang ipinasarang  establisimyento ay hindi nakapagsumite ng mga kaukulang dokumento at papeles na kailangan sa pagkuha ng business permit.

Dagdag rito,  diumano ang naturang establisyemento ay hindi nakakapagbayad ng karampatang buwis na naging dahilan upang sila ay maisyuhan ng closure order.

Ayon naman sa LGU, ang pagpapasara ng bar ay magsisilbi ring babala sa lahat ng mga may-ari ng ibat’ ibang establisyemento na sundin ang mga ipinatutupad na batas at upang ipakita ang pagiging patas sa lahat lalo’t higit ang maging isang responsableng mamamayan na sumusunod sa mga alituntunin hinggil sa tamang pagbabayad ng buwis at pagsasaayos ng mga kaukulang permit at lisensya upang maayos na maipag patuloy ang anumang negosyong papasukin.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

(photo: CNPPO)