CAMARINES NORTE- Matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan ng Talisay Municipal Police Station ang isang Symposium na nilahukan ng dalawampu’t-apat (24) na estudyante ng BS Criminology mula sa Camarines Norte School of Law (CNSL) at labindalawa (12) naman mula sa Mabini Colleges na kasalukuyang sumasailalim sa Internship Program sa naturang himpilan
ang naturang Gawain ay ginanap sa Training Center, 3rd Floor ng Municipal Building, ng nabanggit na bayan
Kabilang sa mga paksa na ibinahagi para sa mga dumalong estudyante ay ang mga importanteng probisyon ng batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan at kabataan gaya ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004, RA 7610 o Anti- Child Abuse Law and RA 9208 o Anti- Trafficking in Persons Acts of 2002.
Ipinabatid rin sa mga partisipante ang mahahalagang probisyon ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang pagpapabatid ng Executive Order 70 o End Local Communists Armed Conflict o ELCAC.
Bilang pagtatapos ng naturang aktibidad, nagkaroon ng open forum at nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapagpahayag ng saloobin at makapagtanong sa mga naging paksa. Pinasalamatan naman ng mga ito ang buong pamunuan ng Talisay MPS para sa karagdagang kaalaman na kanilang natutunan sa nasabing symposium.
(photo: CNPPO)
