Nagtapos ang pambato ng Pilipinas na si Naelah Alshorbaji sa top 8 ng Miss Earth 2021.
Inanunsyo ng Filipina-Syrian beauty queen ang naturang development sa kaniyang Instagram post noong Sunday.
Mababasa naman sa post ni Naelah, “I was answering a question during my training which was ‘What is a winner or what is winning to you?'”
Dagdag niya, ang sinagot niya sa katanungan ay, “Regardless if I win or lose, I would consider myself a winner because I learned and became a better person coming out of the situation,”
Aminado naman si Naelah na naging mahirap para sa kaniya na maging competitive dahil boto rin siya para sa marami niyang kasamahan sa pageant.
Nagpasalamat naman si Naelah sa suporta na ipinaramdam sa kaniya ng Pilipinas.
Wala rin anya siyang pinagsisisihan dahil binigay naman niya ang lahat ng kaniyang makakaya.
