Listahan ng mga drivers na tatanggap ng fuel subsidy sa Bicol, pinalabas na

LEGAZPI-Hinihintay na ng ilang mga nasa transport group sa Bicol Region partikular na sa lalawigan ng Albay ang ibibigay na Fuel Subsidy ng gobyerno.

Ito nga ay matapos na lumabas na ang listahan ng makakatanggap ng nasabing tulong mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Regional Office V.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Ronel Niebres, presidente ng Basta Driver Safety Enforcer, bago matapos ang buwan ng Enero, pinalabas na ang listahan at nauna ng nakatanggap ang mga driver na mayroon ng Cash Card o mga mga driver na una ng natulongan ng nasabing programa.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aminado ito na ilan sa mga drivers tulad nya na first time makapasok sa nasabing programa, ang nakararanas ng kunting delay umano sa asistensya.

Paliwanag nya rin na malaking tulong ito sa kanila mas lalo pat tuluyang tumataas ang presyo ng gasolina.