6 bahay sa Camarines Sur, nasunog sa pagsisimula ng Fire Prevention Month

NAGA CITY- Lumiwanag ang gabi ng mga taga Libod 1, Libmanan Camarines Sur. Kita ng mga residente ang pinaghalong manila-nilaw at kahel at na langit.

Nagmumula ito sa nasusunog na bahay ng pamilyang Agnas bandang alas-8 kagabi, Marso 1, 2022 unang araw ng Fire Prevention Month.  Nakarinig din ng pagsabog ang mga residente sa kasagsagan ng sunog.

Humingi ng tulong sa social media ang ilang mga residente, nagpapatulong upang macontact ang mga bumbero, isa rin ang BNFM Naga sa mga humingi ng saklolo sa Bureau of Fire Protection (BFP) , agad namang sinabing nagreresponde na ang kanilang mga tauhan. Dumating din ang BFP Cabusao, Pamplona, Naga at Sipocot. Malayo man, sumaklolo rin ang Fire Volunteer Brigade na Chin Po Tong pati Naga White mula sa Naga City.  Pasado  Alas-9 ng sabihin ng BFP na fire under control, alas-10:30 nang ideklarang fire out ayon kay Senior Inspector Victor Velasco.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Acting Provincial Fire Director FSupt. Emmanuel Ricafort na umabot kaagad sa 3rd Alarm ang sunog, umabot sa pitong fire trucks ang nagtulong-tulong.   Ayon kay Velasco 6 bahay ang nasunog, sa record ng PNP mga tahanan ng pamilya Agnas, Brillante at Regodon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

P200,000 ng inisyal na pinsala.  Walang casualty sa pangyayari.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko fire prevention month man o hindi.

Nagpaabot na ng tulong ang LGU sa mga pamilyang apektado.