Expansion ng dialysis center sa CNPH magiging operational na sa lalong madaling panahon, Covid patient na nagda- dialysis may hiwalay na kwarto

CAMARINES NORTE- Magiging operational na sa lalong madaling panahon ang expanded dialysis center sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nitong hinihintay na lang umano nila na magawaran ng license to operate ng Department of Health ang naturang pasilidad.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Wala naman umano silang timetable dahil kailangan munang mainspeksyon  ng DOH ang pasilidad at ang bagong mga dialysis machine.

Sa ngayon ay mayroon nang sampung dialysis machine ang CNPH dahil may limang bagong dating.

Mayroon ding hiwalay na kwarto para sa mga COVID patient na nagda- dialysis at isang machine ang inilaan dito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Matatandaan na Hunyo ng nakaraang taon nang ianunsiyo ni Governor Edgardo Tallado na magiging 15 lahat ang dialysis machine sa CNPH na malaking tulong umano lalo na sa mga mahihirap.

Hindi raw kasi biro ang gastos sa pagpapa dialysis sa mga pribadong health facility kaya mahalaga na mayroon nito sa CNPH.