Itinanghal bilang pinakamahusay na police station sa buong Batangas ang Lipa Component City Police Station sa nakaraang buwan ng Mayo.
Ang parangal na ito ay bunga ng kanilang mataas na marka sa Monthly Unit Performance Evaluation Rating na sumusukat sa administratibo at operasyonal na pagganap ng istasyon.
Ayon kay Police Lt. Col Rix Villareal, ang hepe ng Lipa CPS, lubos ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta at tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Lipa.
Aniya, ang pagkilala sa Lipa CPS bilang pinakamahusay na police station ay nagpapatunay ng masigasig na kooperasyon ng pulisya at lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng seguridad at pagtugon sa mga suliranin ng kriminalidad sa kanilang komunidad.