Trapiko sa Naga City, pinaghahandaan na ng Naga City Police Office sa Balik Eskwela

NAGA CITY – Kaliwa’t kanan na ang ginagawang paghahanda ng bawat sektor sa Naga City sa papalapit na pasukan ngayong Hulyo 29, 2024. Isa rin sa mga abala at nakatuon sa paghahanda sa daloy ng trapiko ang Naga City Police Office (NCPO) katuwang ang Public Safety Office (PSO) at mga tanod ng mga barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLTCOL. Chester Pomar, tagapagsalita ng NCPO, bagaman nakatutok ang karamihan sa kanilang personahe sa barangay Peñafrancia kung saan marami ritong public at private school at madalas na magkaroon ng pagkakabuhol-buhol sa daloy ng trapiko, isa rin sa kailangan nilang pagtuunan ng pansin ang trapiko sa mga paaralang malapit sa kasentruhan ng lungsod.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Ilan sa mga solusyong nakikita nila na maaaring makatulong sa pagkontrol sa daloy ng trapiko ay ang paglagay ng tamang loading at unloading area sa mga pampublikong sasakyan. Katuwang ang PSO, mas magiging mahigpit rin sila sa mga nagpapark sa tabi ng kalsada.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Matagal nang problema sa lungsod ang trapiko at kahit nga hindi pa nagsisimula ang pasukan, naoobserbahan na nila sa ngayon ang ilang traffic congestion. Pakiusap na lamang ni Pomar sa mga motorista, estudyante’t mga pribadong sasakyan na sumunod sa mga traffic rules.