Limited face to face classes hindi gagawing mandatory sa mga bata sakaling ipatupad na sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Department of Education na hindi gagawing mandatory sa mga bata ang pagpasok sa eskwelahan sakaling ipatupad na dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang limited face to face classes.

Ito ang inihayag ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa programang DepEd Hour kaugnay pa rin sa ginagawang paghahanda ng Division Office sakaling payagan na ang limited face to face classes sa lalawigan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay Guemo kapag walang consent ang magulang ay hindi pwedeng pumasok sa eskwelahan ang mga bata.

“Hindi mandatory sa mga bata, kaya kung walang consent ang parents hindi natin pwedeng pilitin,” ani Guemo.

Sa ngayon ay wala pa naman aniyang implementing guidelines patungkol sa expanded limited face to face classes pero tuloy- tuloy ang ginagawang paghahanda ng mga eskwelahan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ani Guemo nasa 246 na eskwelahan sa lalawigan ang nag signify na magpatupad ng limited face to face classes pero ilan sa mga ito ay hindi handa ayon na rin sa ginawang validation.

Halos lahat din aniya ng mga Lokal na Pamahalaan ay nagpahayag ng suporta sa DepEd sakaling magkaroon na ng face to face classes pero patuloy umano ang pag uusap ukol dito.