Mahigit 340K na mga indibidwal sa Catanduanes, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Bakunado na kontra COVID-19 ang aabot sa 341,015 na mga indibidwal sa Catanduanes batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Provincial Health Office kahapon.

Sa naturang bilang, 190,548 individuals o 84% ng current target population ang  naturukan na ng first dose ng bakuna habang nasa 150,467 na mga indibidwal naman o 66% ng target population ang fully vaccinated na kontra COVID-19, kabilang ang mga tumanggap ng one-shot Janssen COVID vaccine.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Bunsod nito, naabot  na ng islang lalawigan ang 55% ng vaccination coverage magmula nang umarangkada ang pagbabakuna sa lugar.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kaugnay nito, nasa 13,978 na rin ang bilang ng mga tumanggap ng ‘booster shots’ habang patuloy ang panawagan ng PHO sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya upang  mabigyan ng proteksyon ang sarili laban sa deadly virus.###