Tricycle driver arestado matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang tricycle driver sa Purok-1, Brgy. Kimantong bayan ng Daraga, Albay sa ginawang buy bust operation kontra sa illegal na baril.

Kinilala ang suspek na si Jun-Jun Millares Llovit, 28 anyos residente ng Purok 4, Brgy. Mabinit lungsod ng Legazpi.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ayon sa report, hapon ng ikasa ng mga kapulisan ang isang operation laban sa suspek kung saan nagpositibo ito matapos pagbentahan ang nagpanggap pnp personnel ng isang hindi licensyadong baril na (1) “Colt MK IV Series 80” caliber .45 pistol sa halagang P20K.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Narekober sa kanyang Ang nabanggit na baril at pera na ginamit bilang buy bust money.

Ang suspek ay mahaharap sa KASONG paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code under COMELEC Resolution No.10728.

Sa ngayon ay nasa kostudiya ng Daraga mos para sa kaukulang disposisyon.