Lider ng FARMC, kauna-unahang babae na idineklarang mangingisda director ng Bicol ngayong 2022

LEGAZPI CITY – Idineklarang kauna-unahang babae na napili bilang Mangingisdang Direktor ng Bicol ngayong taon ang lider ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) mula Tabaco City.

Isinagawa ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda sa Rehiyon at Lokal (SAMARAL) Bicol Council of Leaders ang proseso ng pagpili para sa ika-17 serye ng Mangingisdang Direktor (MD) ngayong 2022.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang nasabing pagpili ay itinaon sa BFAR 5-FARMC-Fisherfolk Partnership Meeting nitong Marso 16, 2022 sa Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD) Training Hall.

Nagkaisa ang konseho sa pagpili kay Imelda Belda ng Tabaco City, na maging Mangingisdang Direktor ng Bicol.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang Mangingisdang Direktor Program ay isinasagawa tuwing Mayo ng bawat taon sa panahon ng Pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda alinsunod sa DA Special Order No. 88 at BFAR Fisheries Office Order No. 080, Series of 2005.