LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ng 5th Consumer Youth e-Forum bilang parte ng selebrasyon sa World Consumer Rights Day na may temang Fair Digital Finance.
Ayon kay DTI Albay Consumer Production Head Ruben Sumbon, ang mga kabataan ay inimbitahan upang malaman umano nila ang kanilang karapatan bilang mamimili kung saan binibigyang diin dito ang ligtas na online transactions.
Dagdag pa nito, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan rin ng mga panauhin na may koneksyon sa online platform nangsagayon ay malaman nila kung ano at alin ang mga lehitimong platform na maari nilang gamitin.
Sinabi rin nitong, ang consumer rights day ay isang paraan ng tanggapan upang magbigay kaalaman sa publiko kung paano ang ligtas at pagiging protektado sa ano mang isasagawang online transaction.
Matatandaang, nagsagawa rin ng Digital Arts Contest ang nasabing ahensya na dinaluhan ng mga estudyante mula senior high school at mga kolehiyo sa buong bicol region.