Dalagang nagnakaw umano ng P1 milyon halaga ng pera sa retiradong DepEd District Supervisor sa Capalonga arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang babae na itinuturong suspek sa nangyaring nakawan dakong alas 6:30 kamakalawa ng gabi sa Purok-3 Barangay Poblacion, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala itong si alyas “Nikki” 22, walang trabaho at residente sa nabanggit na lugar.

Habang ang biktima naman ay ang isang 67 anyos na babae na retired DepEd District Supervisor.

Batay sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, nakatanggap umano ng tawag ang biktima mula sa mga testigo na nagsasabing pumasok ang suspek sa compound ng tahanan ng una.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa kabila umano ng paninita ng mga testigo sa suspek habang nasa loob ng compound ng tirahan ng biktima ay patuloy itong pumasok sa bahay.

Dahil sa impormasyong iyon ay dali-dali at personal na nagtungo sa himpilan ng Capalonga Municipal Police Station ang biktima upang ireport ang pangyayari.

Agad namang nagtungo ang kapulisan sa tahanan ng biktima at agad na inaresto ang suspek habang nasa loob ng bahay.

Nakapasok umano ang suspek sa pamamagitan ng pagsira sa likod ng pinto ng bahay at habang nasa loob ay tumuloy ito sa kwarto ng biktima at tinangay ang sampung bundle ng pera na nagkakahalaga isangdaang libong piso kada bundle na may kabuuang halaga na isang milyong piso at nakalagay sa loob ng kulay gray na plastic envelope bag.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa imbestigasyon ay tumangging magsalita  ang naarestong suspek tungkol sa umano’y nawawalang pera.

Patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Capalonga MPS para sa posibleng pagbawi ng mga ninakaw na pera.

Nasa kustodiya na ngayon ng Capalonga MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.