DOH nilinaw na mandatory pa rin ang pagsusuot ng facemask sa mga paaralan

Nilinaw ng Department of Health na mandatory pa rin ang pagsusuot ng facemasks ang mga estudyante at guro na lalahok sa face-to-face classes.

Ito ay sa kabila ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa boluntaryong pagsusuot ng facemask sa mga open spaces.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Paliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire hindi kasama ang mga paaralan sa kanilang rekomendasyon dahil ang mga klase ay isinasagawa indoors o sa mga lugar na may mababang bentilasyon.

Kasabay nito nanawagan naman si Vergeire sa mga magulang na magkaroon pa rin ng pag-assess sa risk ng COVID-19 sa kanilang mga lugar lalo’t marami pa sa mga kabataan ang hindi pa bakunado.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Hinimok din ng DOH official ang mga magulang na ugaliing ipasuot sa kanilang mga anak ang facemask kapag papasok sa mga paaralan.