LGU Sto. Domingo, nilinaw na wala silang pinipili sa pagbibigay ng ayuda

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Sto. Domingo, Albay na wala silang pinipili sa mga residente sa pagbibigay ng ayuda.

Kasunod ito ng reklamo ng ilang mga residente mula sa Brgy. Lidong ng nasabing bayan na kasalukuyang naninirahan sa Bical Evacuation Center, Brgy. Bical.

Sinabi ni LGU Sto. Domingo Mayon Operations Spokesperson Engr. Ed Balidoy sa Brigada News FM Legazpi na lahat ng mga evacuees ay nabibigyan ng ayuda.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay Balidoy, paano naman mangyayaring mayroong pipiliin gayong ang kanilang listahan ng evacuees ang nagpapatunay na lahat naman ay nabibigyan at walang napagkakaitan.

Ang nasabing bilang ng pamilya na nakalista na mula pa noong mag-umpisa ang paglikas ay siguradong nabibigyan at walang pinipili.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Binigyang-diin din ni Balidoy na ang kanilang datos pagdating sa mga evacuees ay verified ng DSWD maging ng iba pang mga organisasyon at plantsado na rin ito mula pa noong taong 2022.

Samantala, ayon kay Balidoy, baka ang mga nagrereklamo ay ang mga residente na wala naman sa itinalagang evacuation site at yaong mga hindi naman talaga pinapalikas.