Bagong tren ng PNR Naga patungong Ligao nagdry run na; barangay may kapakiusap sa mga residente

NAGA CITY –Nagsimula nang magdry run ang bagong tren ng Philippine National Railway o PNR sa Naga City patungong Ligao sa Albay, kaninang alas dyes ng umaga.  Ito ay upang suriin at tingnan ang daraanan ng tren kung may sagabal.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kaugnay nito may paalala naman barangay council ng Triangulo, Naga City sa mga residente na ingatan sana ang bagong tren ng PNR.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Brgy Triangulo Kagawad Carlos Honorio sinabi nitong palagi silang naglilibot sa barangay upang paalalahanan ang mga residente lalo na kung dadaan ang tren at regular din nilang minomonitor ang lugar ng masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system