LGU Malinao, Albay, humihiling ng dredging at desilting ng Quinale River

LEGAZPI CITY – Hiniling ng lokal na pamahalaan ng Malinao, Albay sa Provincial Composite Lahar Management Committee na aprubahan ang request nito para sa maayos na dredging at desilting ng kanilang Quinale River.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ang nasabing request ay naging posible sa pamamagitan ng Resolution No. 13 s. 2024 na ipinasa ng LGU Malinao sa Provincial Engineering Office para sa pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ito rin ay ginawa upang maiwasan ang flash flood na nagdulot ng matinding pinsala sa mga residential house, rice farms, farm-to-market roads, tulay at iba pang imprastraktura, pang-ekonomiya at agrikultura sa nasabing bayan.