Batangas City –
Patuloy na pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residente malapit sa Bulkang Taal matapos ang namataang makapala na usok mula sa bunganga nito noong nakaraang weekend.
Hanggang noong Sabado, patuloy ang degassing activity ng bulkan na nagdulot ng pangamba sa mga residente.
Iyon ay kahit pa una nang sinabi ng mga awtoridad na ngayong panahon ng tag-ulan, asahan ang pagkapal ng usok na magmumula sa bulkan.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa bulkan na maging alerto sa epekto ng inilalabas na sulfur dioxide pagdating sa kalusugan.
Sa ngayon, ay mahina ang ibinubugang usok ng nasabing bulkan habang nananatili sa Alert Level 1.