LEGAZPI CITY – Dumaong sa lungsod ng Legazpi ang International Cruise Ship Heritage Adventurer na kilala bilang ‘Grande Dame of Expedition Cruising’ at binuo sa Finland.
Kilala rin ito sa pagiging 1A Super ice class Polar-equipped expedition fleet at paglalayag sa northern at southern Arctic at Antarctic.
Ang Heritage Adventurer ay direktang naglayag mula sa Kanazawa, Japan, at dumaong sa Port of Legazpi umaga ng Hunyo 23, 2024.
Ang nasabing barko ay ang pang-apat (4th) na international cruise ship na dumaon sa lungsod ng Legazpi.
Kung matatandaan, nito lamang ring Mayo 16, taong kasalukuyan, dumaong rin sa nasabing lungsod ang MS Hanseatic Spirit sakay ang 250 Europeans at 160 Filipino-German Speaking crew.