KORONADAL CITY – NILINAW ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE-12 na hindi maaaring magdoble ang benepisyo sa isang slot ng Tulong Panghanap-Buhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers o TUPAD program.
Ito ang inihayag ni Charles Bataga, Informationa Officer ng DOLE-12 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan base sa Department Order 239-23, dapat isa lamang ang maging benepisyaryo ng TUPAD program.
Pinaalalahanan din ni Bataga ang mga lokal na barangay na dapat maging maayos at polido ang pagpapatupad ng programang ito dahil maaaring mahaharap sa karampatang kaso o penalidad ang mga imbolbado sa mga posibleng anomalya.
Ayon kay Bataga, agad na i-report sa kanilang tanggapan sa Department of Labor and Employment o DOLE-12 ang mga kahinahinalang maling pagpapatupad ng TUPAD program sa buong Rehiyon-12.
Dagdag ni Bataga, dapat na madoble-check at dapat makapagsagawa ng imbestigasyon sa layuning mapunta sa mga dapat benepisyaryo.
Samantala, ayon kay Bataga, na ang lahat ng programa ng ahensya ay nakabase sa mga department orders sa layuning mapatupad ito ng tama kung saan ito sila ay isinailalim sa orientation sa tulong ng mga barangay.