LGU-Bulan inuunti-unti nang sanayin ang mamamayan sa mga pagbabago at pag-unlad bago mag- aplay ng cityhood sa 2025

Inuunti-unti na ng Pamahalaang Bayan ng Bulan ang kanilang mga mamamayan sa mga pagbabago o pag-unlad bago sila mag-aplay bilang lungsod sa taong 2025.

Ayon kay Mayor Romeo Gordola, hindi nila bibiglain ang mga residente ng bayan sa posibleng mga pagbabago kapag naging lungsod na umano ang bayan.

Isa sa mga pagbabagong binigyan nila ng pansin para maintindihan ng kanilang mga residente, ay ang pagtaas ng real property tax na sakop ng commercial area ng bayan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa ngayon kasi, aprubado na ang pagpapalawak ng sakop ng kanilang commercial area.

Umabot na umano ito sa Zone 7, Brgy Aquino at Brgy. Fabrica. Sakop rin nito ang 80 meters both sides mula sa National Highway.

Tapos na rin nila ang kanilang Comprehensive Land Use Plans o CLUP at Solid Waste Management Plan, gayun din ang on-going Traffic Management Plan na magiging gabay nila sa pagpapatupad ng mga programa.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon pa kay Gordola, aabot sa P60M ang kanilang target collection o revenue para mas mapaigting pa nila ang kanilang social services.

Malaki ang maitutulong nito lalo na at first class municipality ang bayan ng Bulan.