Bagong talagang direktor ng DILG-Sorsogon, nag-courtesy visit sa mga LGU officials; pagpapalakas ng mga programa, prayoridad ng ahensya

Matapos maupo nitong Enero 3 ng kasalukuyang taon bilang bagong Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon sinimulan na ni Provincial Director Arnel Renato Madrideo ang pag-iikot sa lungsod at sa 14 na bayan upang makipag-ugnayan sa mga LGU para sa kani-kanilang nagpapatuloy na programa at mga plano ngayong taon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Madrideos nais niyang matiyak na komportable at may maayos na komunikasyon sa kanilang ahensya ang bawat LGU Officials upang mapadali ang sistema ng pagpapatupad ng kanilang mga programa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nauna nang sinabi ng opisyal na suportado niya ang lahat ng mga programa ng LGU basta’t ito ay naayon sa batas at para sa ikakaunlad ng kanilang mga nasasakupan.