LGU Basud naglaan ng halagang P1. 5 milyon insentibo para para mahikayat ang mga barangay na maabot ang herd immunity sa COVID- 19 vaccination bago matapos ang Disyembre

CAMARINES NORTE- Naglaan ng halagang P1.5 milyon insentibo ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte para mahikayat ang mga Barangay na makamit ang herd immunity o 70 % eligible population na mabakunahan KONTRA COVID- 19 bago matapos itong Disyembre.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco ang mga maliliit na barangay na maabot ang herd immunity bago matapos itong buwan ay makakatanggap ng P50, 000 habang 75, 000 naman ang matatanggap ng malaking barangay.

Hinati sa bawat cluster ang 29 na barangay depende sa laki o lawak nito.

Ang cluster 6 na kinabibilangan ng malalaking barangay tulad ng San Felipe, Matnog, Poblacion 1 at Poblacion 2 ay may nakalaang P300, 000 na insentibo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Paghahatian ng mga barangay na kabilang sa isang cluster na makakaabot sa target na 70 % population na mabakunahan ang halagang P300,000 pero kung iisa lang ang makakaabot ay masosolo nito ang naturang halaga ng premyo.

Sa ngayon ay ang Barangay Poblacion 1 at 2 pa lang ang nakakaabot sa herd immunity sa Cluster 6 na mayroong 74% at 72. 38 %  vaccination coverage.

Ang natitirang mga Barangay mula sa Cluster 1, 2, 3 4 at 5 ay may nakalaang P250, 00.00 na kung lahat sila ay maabot ang 70 % herd immunity ay makakatanggap ng P50, 000 bawat isa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa Alkalde, ang pondo ay ida- download sa mga barangay at gagawa ang mga ito ng programa, proyekto o aktibidad.

Sa ngayon ay nasa mahigit 50 % na ang bilang ng mga nababakunahan sa naturang bayan.

“Ang kailangan po natin talaga ay habulin yung  70 % herd immunity so yun lang yung pinaka -minimum na target para makakuha sila ng 50, 00 sa ibang cluster 75, 00 dun sa malalaking barangay,” ani Davoco sa panayam ng Brigada News FM.