BICOL—Anim lamang na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region base sa pinakahuling report ngayong araw.
Tatlo nito ay mula sa Camarines Sur sa mga bayan ng Gainza, Milaor at Naga City. Dalawa ang galling sa Albay, sa bayan ng Daraga at lungsod ng Legazpi.
Isang kaso naman ang naitala sa Sorsogon City habang pare-parehong zero new case ang Catanduanes, Camarines Norfte at Masbate.
Sa ngayon ay patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng sakit na nasa 3,586 o 7.67% na lamang mula sa 46,733 na cumulative case.
Samantala, pumalo na rin sa 41,264 (88.30%) ang total recoveries matapos madagdagan ng walong mga bagong gumaling na pawang mula sa Camarines Sur.
Wala naming naitalang nasawi kung kaya nananatili sa 1,883 (4.03%) ang death toll.
Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm