LGBTQ member, dinukot sa Cauayan City; pamilya, patuloy ang panawagang makauwi na

Patuloy ang panawagan ng pamilya ng LGBTQ member na pinaniniwalaang dinukot ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin noong gabi ng February 25, 2022 sa Barangay District 3, Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si Eljay Bautista, 16-anyos at residente ng Barangay Marabulig 1 sa nasabing lunsod.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mrs. Janice Marcelo, ina ni Eljay, nagpaalam sa kaniya ang anak na pupunta sa mga kaibigan sa barangay District 3 para magpaalam sa mga ito at pabalik na sa Marikina.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Kwento umano ng mga kaibigan ng kaniyang anak na mayroong ka-chat si Eljay at sinabing may kikitain sa tulay sa nasabing barangay.

Dito ay mayroon umanong apat na kalalakihan ang pwersahang nagsakay sa biktima sa kulay itim na monterro sport na walang plaka pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Ayon kay Mrs. Marcelo, bagaman may mga record ang anak na nasasangkot sa  mga nakawan dulot ng barkada ay nagbabago naman na umano ito kaya pinadala sa Marikina at doon na nagtatrabaho.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Nanawagan din ito sa mga salarin na maaanong patawarin na ang anak kung may nagawa man itong kasalanan at bigyan pa ng pagkakataon.

Sana aniya ay maibalik ng buhay ang anak ngunit kung sakali ay may mangyaring masama dito ay kahit man lang makita nila ang katawan ni Eljay.

Nagpaskil na rin aniya sila ng mga missing poster at patuloy ang pakikipa-uganay sa kapulisan para mahanap na ang nawawalang anak.