Sinimulan na ngayong araw ang limited face-to-face classes para sa expansion phase ng mga TVL learners sa Cauayan City National High School (CCNHS).
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Primitivo Gorospe, Punong guro ng CCNHS, sabik aniya ang mga mag-aaral sa pagbabalik klase.
Ngayong Lunes at tuwing Miyerkules ang schedule ng mga Grade 11 habang Martes at Hwebes naman ang mga Grade 12.
Walong especialization program aniya ng TVL ang binigyang daan sa limited face-to-face classes kaya naman walong classroom din ang bukas para sa mga mag-aaral.
Nauna na nang inihayag ng punong guro na nasa 111 na mga estudyante ang handang makilahok sa pagbubukas ng klase.
Ayon pa kay Dr. Gorospe, alinsunod sa safe operation na guidelines ng DepEd ay 12 na estudyante lamang ang pinapayagan sa bawat klase para sa laboratory o practicum.
Ngayong bumaba pa aniya sa Alert level 1 ang Cauayan City maaaring dagdagan pa ang bilang ng mga nais makilahok sa in-person classes na posibleng umabot hanggang 1,500 learners.
Pinaghahandaan na rin umano ng oaaralan ang progressive phase kung saan maaari na ring makipartisipa sa limited face-to-face classes ang bawat grade levels.
Samantala, tiniyak naman ni Dr. Gorospe na mahigpit nilang sinusunod ang minimum public health standards sa loob ng paaralan.