Wala nang naitalang panibagong kaso ng covid-19 ngayong araw, February 28, 2022 ang 33 na bayan sa Lalawigan ng Isabela.
Ayon sa Isabela Provincial Information Office, apat na lugar na lamang ang nakapagtala ng panibagong kaso ng Covid-19 na bumubuo sa naitalang pitong bagong kaso.
Kaugnay dito, tigdalawang kaso ang naitala sa Santiago City, Cauayan City at Jones habang isa naman sa San Mateo.
Sa ngayon ay nasa 74 na lamang ang kabuoang kaso ng naturang virus sa Isabela matapos maitala ang panibagong 15 na recoveries.
Nananatili namang zero case ang 10 na bayan sa Isabela na kinabibilangan ng Aurora, Benito Soliven, Cabagan, Cordon, Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Quezon, Sto. Tomas at Tumauini.