Hinimok ni Atty. Stephen David ang kanyang kliyenteg si dismissed mayor Alice Guo na dumaan at humarap na sa legal na proseso.
Ito ay sa gitna ng patuloy na hindi pagsipot ni Guo sa pagdinig hinggil sa kanyang pagkatao at mga kasong may kaugnayan sa ilegal na POGO.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay David, sinabi nitong payo niya sa alkalde na magpakita na, at huwag sayangin ang buhay sa pagtatago.
Sa kasalukuyan, inihahanda umano ng kanilang kampo ang susunod na hakbang matapos ianunsyo ang mga desisyon at kaso ng ilang ahensya laban sa kanila.
Sa huli, sinabi ng legal counsel na palagay niya ay nasa Pilipinas pa rin ang kanyang kliyente.
‘Di naman niya na raw ito personal na nakikita, at tanging sa telepono na lang sila nakakapag-usap.
Mababatid na hinainan na si Guo ng tax evasion complaint ng BIR, at ipinag-utos na rin ng Ombudsman ang dismissal nito.
Pina-subpoena na rin ito ng COMELEC para naman sa kaniyang misrepresentation case.
#