Aminado ang Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi sapat ang itinakdang threshold na P64 kada-tao para matugunan ang nutritional at dietary requirements sa isang araw.
Ayon sa PSA, pinag-aaralan na ang kasalukuyang methodology sa pagtatakda ng food poverty ceiling.
Binigyang-diin ni National Statistician Claire Dennis Mapa na kailangang i-update ang methodology upang mag-reflect ang mga pagbabago sa mga pinagkakagastusan at income ng pamilya, gayundin ang epekto ng inflation.
Mababatid na unang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Senate hearing na as of 2023, ang monthly threshold para sa pamilyang may limang miyembro ay P9,581 o nasa P64 kada-tao kada-araw.
#