LeBron, Durant, pinangalanang captains para sa All-Star showcase

Pinangalanan si Los Angeles Lakers superstar LeBron James bilang NBA All-Star Game captain para sa fifth-straight season, matapos ibunyag ng liga ang pagsisimula ng mga players para sa mid-season showcase sa Cleveland.

Si James ay ang leading vote getter mula sa Western Conference.

Samantala, si Brooklyn Nets star Kevin Durant naman ang nanguna sa East voting at nakakuha ng approval bilang team captain, bagama’t inaasahang hindi ito makakapaglaro sa second straight All-Star Game, matapos makaranas ng sprain sa kanyang kaliwang tuhod, nitong buwan.

Ang mga ito ay kabilang sa 10 players na ibinoto bilang starters para sa February 20 game sa Rocket Mortgage FieldHouse.

Sa kabilang dako, ang All-Star reserves ay pangangalanan sa susunod na linggo. //MHEL PACIA-TRINIDAD