Isinagawa ng Oklahoma ang pagbitay sa isang lalaki na may kasong double murder, sa pamamagitan ng lethal injection, na siyang kauna-unahang prisoner na binitay sa United States ngayong taon.
Ayon sa opisina ni Oklahoma attorney general John O’Connor, ang southern state’s execution kay Donald Grant ay isinagawa nang walang komplikasyon.
Nabatid na noong 2001 nang siya ay 25-taong gulang pa lamang, nagnakaw si Grant sa isang hotel para pampiyansa sa kanyang nobyang nakakulong.

Sa gitna ng naturang robbery, pinagbabaril nito ang dalawang hotel employees, kung saan isa ang agarang nasawi, habang ang isa ay tinapos ni Grant sa pamamagitan ng kutsilyo niyang dala.
Noong 2005, senentensyahan ito ng kamatayan. //MHEL PACIA-TRINIDAD