Lebel ng tubig sa Marikina River, patuloy ang pagbaba; Mga residenteng inilikas, nagsimula nang magsiuwian

Patuloy nang bumababa ang lebel ng tubig sa Marikina River dahil sa bumubuti na ang lagay ng panahon ngayong araw.

Mula sa taas na 20.7 meters kahapon, bumaba na ang lebel ng tubig ng ilog sa 15.2 meters alas onse kaninang umaga.

Nagsiuwian na rin ang ilan sa mga residenteng inilikas kahapon.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Sa datos ng Malanday Elementary School, kung saan may pinakamaraming evacuees, nasa 88 pamilya na ang nagsiuwian sa kani-kanilang tirahan habang nanatili pa rin sa evacuation area ang nasa 682 pamilya.

Pinili naman ng karamihan na manatili pa rin sa mga evacuation areas dahil nasa low lying areas ang kanilang mga bahay.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, bagama’t nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Carina, makararanas pa rin ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon bunsod naman ng habagat at posible pa rin ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.