Umabot sa 42 na barangay sa probinsya ng Cagayan at Batanes ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Carina.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development Region 2, 588 na pamilya mula sa nasabing barangay ang apektado na binubuo ng 2, 051 na indibidwal.
Maliban dito, wala nang nakabukas na evacuation center dahil ang mga residenteng inilikas ay nakabalik sa kani-kanilang tahanan subalit mayroon pa ring 28 na pamilya ang nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Patuloy naman na nakaantabay ang P171, 083, 714.54 na standby funds at halaga ng food at non-food items ng kagawaran na handang ipamahagi anumang oras.|#BrigadaCalamityNews