Leader ng Minorya sa Kamara, umapela kay Senador Bato Dela Rosa na umamin na sa kanyang papel sa EJK

Hinimok ni House Minority Leader Marcelino Libanan si Senador Bato Dela Rosa na magsabi na ng katotohanan ukol sa kanyang naging papel sa umano’y pagkamatay ng mahigit dalawampu’t pitong libong indibidwal sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Libanan, simple lang ang kanyang hinihiling at ito ay maging tapat si Dela Rosa lalo’t lalabas din ang totoo kahit gaano itago.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Mahalaga aniya ang katapatan hindi lamang para sa public servants kundi sa lahat na nais magsilbi nang may integridad.

Nababahala rin si Libanan sa mga alegasyon ni Police Col. Jovie Espenido laban kay Dela Rosa at sa Philippine National Police na tinawag nitong pinakamalaking crime group.

Hindi pa umano ang huli ang lahat upang humingi ng tawad at ilantad ang naging papel ng senador sa extrajudicial killings.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Dagdag pa ng kongresista, bilang dating PNP Chief ay marapat na magsilbing ehemplo ng katarungan si Dela Rosa.

Mababatid na ibinunyag ni Espenido sa pagdinig ng Quad Committee sa Kamara na protektor umano si Dela Rosa ng drug lord at inatasan siyang i-neutralize ang grupo ng mga Parojinog sa Ozamiz City anuman ang pamamaraan.