Iba pang malalaking personalidad sa likod ng illegal POGO, nakatakas na umano ayon kay Sen. Gatchalian

Hindi umano maiwasan ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na malungkot sa naging pagtakas ng ilang malalaking personalidad na may kaugnayan sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Anya, sa gitna kase ng pagpokus nila sa paghuli sa pamilya Guo, napag-alaman nilang nakatakas na ang mga ito sa Clark, Pampanga at hindi nahuli.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Isa sa mga sinasabing nakatakas na sa bansa ay si Duanren Wu na siyang hinihinalang mastermind sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

Maliban pa roon, lahat din umano ng mga Chinese names sa mga incorporation papers ng Lucky South 99, Whirlwind, Baofu land at Zun Yuan Technology ay physically wala na bansa.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kasunod nito, ayon kay Gatchalian, isa lang ito sa mga nakikita niyang panibagong issue na dapat kaharapin ng gobyerno at resolbahin.