Inilabas ng 58 anyos na lalaki ang katawan ng isang lolo mula sa kabaong nito at tsaka inihagis sa sahig dahil ayon sa kanya hindi umano ito totoong tao.
Ang suspek ay kinilalang si Teofilo Sanoria, may asawa at residente ng, Tuao North, Bagabag.
Lango sa nakalalasing na inumin ang suspek nang pumasok ito sa bahay kung saan nilalamayan ang lolo ayon sa isang pahayag kay Police Major Jolly Villar, Hepe ng PNP Bagabag.
Dagdag pa ng opisyal, Dumungaw ang suspek sa kabaong ng lolo at ilang sandali pa, inilabas ang katawan ng yumaong lolo at ibinagsak sa baba na dahilan para maalarma ang mga tao sa lugar at tsaka ito inawat.
Sa ngayon, desidido namang sampahan si Sanoria ng kasong Unjust Vexation, Alarms and Scandal and Malicious Mischief makarang magtungo sa stasiyon ng pulisya ang kapamilya ng yumao na si Estrella Espinosa y Basilio, 62 y/o, farmer, P-2 Tuao North, Bagabag, Nueva Viscaya.
Ayon sa kapulisan, walang anumang alitan ang suspek at ang namayapa bagkus dala lamang ito ng kalasingan ng suspek dahil hilig din nitong uminom ng alak.