Alkalde ng Pili, Camarines Sur na kinasuhan ng cyber libel, nakapag-pyansa na

NAGA CITY – Nakapagpyansa na si Mayor Tomas Bongalonta Jr. ng Pili, Camarines Sur matapos na kasuhan ito ng Cyber Libel kasama ang 6 na iba pa.

Kahapon, Hunyo 20, 2023 nang magpyansa sa RTC Quezon City ang Alkalde na ayon dito umabot ng limampung libong piso (P50, 000.00) ang inerekomendang pyansa ng korte.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Napag-alaman ng BNFM Naga na matagal nang nadismissed ang naturang kaso, subalit muli itong binuhay dahil sa hindi umano nakakatanggap ng anumang notification ang hukuman.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, aabutin naman sa kabuoang P250K ang piyansa ng 6 na iba pa na mayroong ding kaparehong kaso, kabilang na ang isang Kapitan ng Pili, Camarines Sur.